BREAKING NEWS!

13.8 million na halaga ng marijuana sa Kalinga, binunot at sinunog

4 na plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga otoridad noong biyernes sa Barangay Loccong,Tinglayan Kalinga.

Tinatayang nasa 67,000 piraso na may katumbas na 13.8 million pesos ang nakatanim dito na agad binunot at sinunog.

Nasa 6,900 square meter ang lawak ng mga naturang plantasyon. Nadiskubre ito dahil sa impormasyon nai-tip sa kanilang hanay.

Walang nahuling cultivator sa nasabing operasyon.

Sa Baguio City, huli ang businessman na ito matapos umanong makuhanan ng marijuana sa loob ng sasakyan nito.

Ayon sa BCPO Station 3, nagpapatrolya ang kanilang mga tauhan sa harapan ng parking lot sa Botanical Garden ng madaling araw ng madaanan nila ang suspek.

Dahil sa nakitang pakete na hinihinalang naglalaman ng marijuana, agad nilang hinuli ito.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


WHY IS THE STAR THE SYMBOL OF CHRISTMAS?

As Christmas approaches… We see various decorations like ornaments, Christmas lights, garlands, and, of course, the Christmas tree. And naturally, a Christmas tree wouldn’t be complete without a star on

TYPHOON MARCE, FELT IN CAGAYAN VALLEY

As Typhoon Marce approaches Northern Luzon, its strength is gradually being felt. The strong winds are already noticeable in the town of Santa Ana, Cagayan. The classrooms at Licerio Antiporda