BREAKING NEWS!

1st Tree ” Saleng” Festival ng Baguio, ipinagdiwang

Hudyat ang pagbukas ng Tree of Life sa Session Road ng kauna-unahang pagdiriwang ng tree “Saleng” Festival sa Baguio City.

Kasama sa pagdiriwang ang tree cart parade and competition. Nagbuhat din ng tree cart si Mayor Magalong.

Nahirapan ang mga hurado dahil malikhain at kakaiba ang mga tree cart na ginawa ng iba’t ibang grupo. Mayroong gumamit ng recycled plastic bottle, indigenous materials tulad ng kawayan at kahoy. May tree cart na nakakabit na bahay pukyutan ng bubuyog. Kapansin-pansin din ang isang tree cart na gumamit ng solar panel para mapagana ang mekanismo nito.

Hindi lang isang parada ang gustong ipakita ng Saleng Festival kundi panawagang magkaroon ng parte ang bawat isa sa pangangalaga sa kalikasan.

Mula Hunyo bente-singko hanggang Setyembre, maaaring magparehistro para makiisa sa iba’t ibang tree planting activities ng lungsod.

Tinatayang nasa higit sampung libong tree seedlings ang maitatanim sa loob ng pagdiriwang ng Saleng Festival.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

CJH Team 1 virtual Seniors Fil B winner

Camp John Hay Team 1 virtually clinched the Seniors Fil B title after upping its lead to 53 with a round remaining in the 72nd Fil-Am Invitational Golf Tournament Tuesday at

Lagman formally named BWD director

Engineer Eliseo Lagman joined the Baguio Water District board last month after his father Felino passed away and was supposed to stay until the end of the month. But management