BREAKING NEWS!

2 lalaki patay matapos tambangan sa Kapangan, Benguet

Sa kalsadang ito na parte ng Barangay Cuba, Kapangan, Benguet tinambangan ng mga hindi pa nakikillalang mga armadong indibidwal ang dalawang lalaki. Nangyari ang insidente kaninang madaling araw.

Base sa inisyal na imbestigayson ng pulisya, galing ang mga biktima sa kanilang bahay at umalis sila ng 4:30 ng madaling araw. Laman ng kanilang truck ang gulay na sayote na ibabagsak sana sa La Trinidad Trading Post. Pero nang makarating ang mga biktima sa Barangay Cuba, dito na sila tinambangan ng hindi pa nakikilang mga suspek.

Dead on the spot si Licudan at Lidama

Sa ngayon tinitignan pa ng pulisya kung ito ba ay isang kaso nanaman ng hijacking o personal na motibo. Hindi pa malaman sa ngayon ng pulisya kung may mga tinangay na kagamitan mula sa mga biktima ang mga suspek.

Sigaw naman ng mga kaanak ng mga biktima ang hustisya sa karumaldumal na krimen.

Nakilala na rin sa wakas ang natitirang suspek na napatay sa madugong hijacking sa Taloy Sur, Tuba, Benguet.

Una na kasing nakilala ang apat sa limang suspek sa naturang engkwentro at natitira na lamang ang lalaking nakasuot ng general office attire ng PNP. Sa pagberepika ng mga kamag-anak nito, nakilala ang suspek bilang si Nicolas Esguerra Cuellar, 41 taong gulang at residente ng Mexico, Pampanga. Sa pagsisiyasat ng pulisya, si Cuellar ang isa sa mga nakasakay sa suv na nagsilbing escort ng truck nang mangyari ang insidente. Nakunan din ito ng PNP ID pero naberepika na hindi siya ang nakapangalan sa ID at hindi rin ito kasapi ng pulisya. Kakalaya nito mula sa piitan noong Mayo ngayong taon dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Inuwi na ng mga kaanak ang mga labi ni Cuellar.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Free medical services, brought to the town of San Fabian

By: Valerie Ann Dismaya The Pangasinan Provincial Government remains relentless in its efforts to reach every Pangasinense. On November 27, the Government Unified Incentive for Medical Consultation or Guiconsulta program

Government programs against HIV, strengthened

“It felt like my world darkened. My first question was, ‘Why me?’ All my dreams vanished. I couldn’t even share it with my friends or colleagues,” said Jomari Gandia, PLHIV.

P40 WAGE HIKE IN CORDILLERA, APPROVED

For nearly 12 years, security guard Jack has managed his family’s needs with his current salary. But with the rising cost of goods, he’s had to stretch his budget to