BREAKING NEWS!

3 high value target sa pagbebenta umano ng ilegal na droga, huli sa magkakahiwalay na operasyon sa Benguet

Hindi na nakapalag ang lalaking nang mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa La Trinidad, Benguet kahapon.

Porter sa La Trinidad trading post ang suspek.

Abot sa limang pakete na may lamang hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek na nagkakahalaga ng 12,500 pesos.

May nakuha ring dalawang bote na hinihinalang naglalaman ng natunaw na shabu.

Sa hiwalay na operasyon, nahuli ang isa pang umano’y tulak ng ilegal na droga sa Puguis, La Trinidad. Nakuha sa suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 8,000 pesos.

Sa Kibungan, Benguet naman huli din sa ikinasang buy-bust operation ang isang negosyante. Nakuha mula sa suspek ang apat na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 6,500 pesos.

Ayon sa PDEA Cordillera, high value target ang tatlo. Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pagpapatuloy ng marijuana eradication sa Sitio Buduan, Barangay Poblacion Kibungan,Benguet, may mga nadiskubreng seedling ng marijuana na aabot sa mahigit dalawang daang piraso.

8,400 pesos ang halaga ng mga ito. Agad namang sinunog ang mga tanim.

Wala ring nahuling cultivator sa nasabing operasyon.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

Cebu Pacific Relaunches Laoag-Manila Route

Cebu Pacific (PSE: CEB), the Philippines’ leading carrier, relaunches its Laoag-Manila route today, May 22, 2023, offering great values to passengers through the airline’s affordable fares and stronger connectivity to