BREAKING NEWS!

88 na benepisyaryo tumanggap ng medical assistance sa tulong ni Cong Kristine Singson at DSWD

Walumpu’t walong benepisyaryo na naman ang natulungan sa kanilang bayarin sa hospital. Ito ay sa pamamagitan ng medical assistance mula sa opisina ni Cong. Kristine Singson at sa tulong ng DSWD sa ilalim ng Expanded Assistance to Individuals in Crisis Situation. Mismong si Cong. Singson ang personal na nagbigay ng cash sa mga benepisyaryo.

Ang medical assistance ay matagal ng programa ni Cong Singson at nananatili ito lalo na ngayon na may pandemya. Sa mga nangangailangan, kung hindi makakapunta sa opisina, pwede na ang online kung saan magpapadala lang ng mensahe sa FB Page na Tulong Puso Serbisyo. Nagpapasalamat naman ang mga tumanggap ng tulong dahil kahit papaano, may dagdag-pambayad na sila sa hospital.

Ayon kay Cong Singson, ang maibibigay na tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ay depende sa sitwasyon nila o kung anong klaseng assistance ang kailangan nila.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


NEDA, MAINTAINS A 3.2% INFLATION RATE FOR 2024

BY: VANESSA BUGTONG At the end of 2024, the Philippines successfully maintained its target inflation rate of 3.2% for the year, with a recorded 2.9% inflation rate for December. According