BREAKING NEWS!

Antigen test kit ng Baguio, kinulang dahil sa pagdagsa ng mga turista

Dahil sa pahintulot ng National IATF sa NCR Plus bubble na puwede nang mamasyal sa Baguio City, dinayo agad ang lungsod.

Nitong weekend, naramdaman ang buhos ng mga turista sa lungsod.

Dahil din dito, nagkaubusan ng suplay ng antigen test kit sa central triage. Isa ito sa mga importanteng requirement papasok sa lungsod.

Pero kanina, balik normal ulit ang operasyon sa central triage ng Baguio City.

Dumating na kasi ang mga karagdagang suplay ng antigen test kit.

Hanggang ngayon , hindi pa nauubos ang 1.8 million pesos na subsidiya ng department of tourism sa antigen testing ng Baguio.

Dahil sa subsidiya, naibaba sa 350 pesos ang singil sa mga residente habang 500 pesos naman sa mga turista.

Maganda naman ang naging epekto ng muling pagbuhos ng mga turista sa mga negosyo sa Baguio.

Nabuhayan din ang sektor ng transportasyon.

Hiling ngayon na maitaas sa 70 % ang seating capacity ng mga bus paakyat ng Baguio.

Sa unti-unting panunumbalik ng turismo sa lungsod, unti-unting nagkakaroon ng kumpyansa ang ilang negosyante na magpatuloy sa gitna ng pandemya.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

CJH Team 1 virtual Seniors Fil B winner

Camp John Hay Team 1 virtually clinched the Seniors Fil B title after upping its lead to 53 with a round remaining in the 72nd Fil-Am Invitational Golf Tournament Tuesday at