Higit dalawang libong sasakyang volkswagen, replika ng kotse, larawan, poster at paintings, ito ang Campofolkswagen art exhibit and gallery café sa Longlong Road, Baguio City
Hindi lang volkswagen collectibles ang masisilayan dahil nagbukas din ito ng oportunidad sa mga local artist sa Baguio na ipakita ang kanilang mga obra.
Layunin ni Ronald na maibahagi niya ang ilang kasaysayan na may kaugnay sa sasakyang volkswagen o ang tinatawag niyang “pinoy volkwagen history”.
Naging parte din ang sasakyan sa ilang makasaysayang pangyayari.
Pagkatapos lumibot sa art exhibit and volkwagen collectibles, maaari mag enjoy sa ganda ng view habang humihigop ng mainit na kape sa kanilang gallery café.