BREAKING NEWS!

Away ng dalawang pamilya, nauwi sa pamamaril at pagkasawi ng isang may kapansanan sa Malasiqui, Pangasinan

Nauwi sa pamamaril ang away ng dalawang pamilya sa Malasiqui, Pangasinan.

Sa video na ipinost ni Billy Joe Aragon, makikita ang bangayan sa pagitan ng pamilya ni Luisito Macaraeg Sr. (nakaputi) at ang kampo nina Aragon sa harapan ng kanilang bahay sa Malasiqui, Pangasinan noong linggo.

Maya-maya pa’y nagsimula nang maghamon ng suntukan sina Luisito Sr., hudyat para magkarambulan ang dalawang grupo.

Sa isa pang video kitang nagtatakbuhan na ang mga tao at may ilang narinig na putok ng baril.

Ayon kay Gino Aragon, nabaril at nasawi sa insidente ang kaniyang kapatid na si Joy.
Si Luisito Sr. ang sinasabing nagpaputok ng baril.
Kapatid nina Gino si Billy Joe na unang nakasagutan ng kampo ni Luisito Sr.

Naulila ni Joy ang kanyang dalawang anak na apat na taong gulang at isang taong gulang.

Agad namang nagsumbong sa barangay ang pamilya Aragon.

Pero hindi na natuloy ang pag-uusap sa barangay dahil sumugod na sa harap ng bahay ng pamilya Aragon ang kampo ng suspek.

Nahuli ng mga pulis ang dalawang kaanak na kasama ni Luisito Sr. Nakatakas naman ito bitbit ang ginamit na baril at kasalukuyang pinaghahanap.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

Who was Benigno “Ninoy” Simeon Aquino Jr.?

Today, August 21, the nation commemorates Ninoy Aquino Day, but what was his contribution to the democracy of our country? Do you know who Benigno “Ninoy” Aquino Jr. was? He

FPJ, Hari ng Pelikulang Pilipino

Today, August 20, we celebrate the birthday of the one and only King of Philippines Cinema, Fernando Poe Jr. Whether young and old, anyone you ask will surely know the

How was the first photograph taken?

Many of us enjoy taking pictures, whether it’s selfies or group photos. It’s a way to relieve past memories. But how was the very first photograph taken? Whenever there’s a

Why do we celebrate National Heroes Day?

When we hear ‘National Heroes Day,’ we immediately think of the heroes who sacrificed their lives during their time, but today, each one of us can also be considered a

Where did gymnastics originate?

Now that the whole country is celebrating Carlos Yulo’s back-to-back gold medals at the Paris 2024 Olympics, let’s discover where this sport originated and how some Filipino athletes also fell