BREAKING NEWS!

Babaeng may Tourette syndrome, tagumpay sa negosyo

Negosyong botika ni jenny rose sa proseso ng pag-iimbentaryo. Photo Courtesy of Jenny Rose Canaria

Graduate ng bachelor of science in pharmacy si jenny rose, subalit hindi naging madali ang takbo ng buhay nito. Ayon kay jenny, wala pa siyang sintomas na napapansin habang nasa elementarya, ngunit nang pagtungtong niya sa second year high school, nagsimula na niyang maranasan ang involuntary movement sa kanyang sarili, pero ipinagkibit balikat niya lamang ito. Pagtungtong ng kolehiyo ni jenny, dito na nakompirma na isa pala itong kapansanan at unti-unti nagbago ang kaniyang mundo. dumami na rin ang mga nangungutya kay jenny, at umabot pa na ang mismong mga kamag-anak niya ay nagpapaabot ng mga negatibong komento, at sinasabing hindi siya makakakuha ng maayos na tranaho dahil sa kanyang kapansanan.

Ang tourette syndrome ay isang kondisyon ng nervous system kung saan nagkakaroon ng inboluntaryong pag-galaw ang isang ito, maaaring sa pamamagitan ito ng palagiang pagpikit, pag galaw ng balikat o braso at pati narin mga biglaang pagsasalita, ito ay namamana at wala pang lunas hanggang sa ngayon. Malungkot din na inilahad ni jenny na minsan na siyang napapatanong sa sarili kung bakit sa dinami-daming tao ay siya ang may ganitong kapansanan na ang tingin ng karamihan ay abnormal na kalagayan.

Sa likod ng mga panghuhusga na natatangap, hindi ito naging hadlang kay jenny para magpursiging makaahon sa buhay, pinilit niyang pagtibayin ang loob sa kabila ng kaniyang kapansanan. Patuloy na naging positibo sa buhay si jenny at giit niya na hindi nailalayo ang mga may tourette syndrome sa mga normal na tao, marahil napatunayan niyang pareho lamang ito sa mga kayang gawin. Matapos ang labing dalawang taon, ang dating kinukutya ngayon ay pinupuri na, isa lang siya sa mga pinakamatagumpay na business woman sa panggasinan.

Inilahad din ni Jenny na hindi naging hadlang mga hinarap na problema sa una niyang pagbukas ng kaniyang negosyong botika taong 2013 at sa katunayan ay nadagdagan pa ito. Itong nakaraang taon lamang, nadagdagan pa ng dalawang branch ang kanyang negosyong botika. Sa kabuuan tatlo na ang branch ng kanyang botika sa panggasinan. Nais ni jenny rose na mas maintindihan pa ng publiko kung ano ang kanyang kondisyon. Sa paglalahad ng kanyang kalagayan, idinagdag ni jenny na lumilitaw ang mga sintomas nito sa pamamagitan ng lubos na emosyon tulad ng stress, pagod, at labis na pagkasabik, kung kaya’t balanse dapat ang mga emosyon.

Hiling niya unawain ang mga tulad niyang may tourette syndrom, habang ipinapaabot niya sa mga taong may kaparehong kalagayan, na wag mawawalan ng pag-asa at magpatuloy lamang, marahil ang kapasidad ng mga katulad niya ay pareho lamang sa mga normal na tao. Dahil dito umaasa siya na magsilbing inspirasyon ang kanyang kwento sa mga kapwa niya ring may kapansanan.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean