Pasok sa National Art Competition ng Government Service Insurance System o GSIS ang labing apat na Pasa-kalye artist ng Baguio.
Ang Government Service Insurance System o GSIS National Art Competition ay may temang Ginhawa sa Gitna ng pandemya. Bukas ito sa mga Pinoy artist na edad disi-otso pataas. Aabot sa tatlong daang libong piso ang premyo. Alinusond sa guideline, lahat ng mga entry ay ipapadala sa GSIS sa pamamagitan ng courier service.
Nag-ambag-ambag ang labing apat na kuwalipikado para malikom ang sampung libong pisong pambayad. Todo suporta naman ang mga senior artist ng Baguio.