Dalawang linggo na lang ang natitira at papasok na ang buwan ng Hulyo. Ito ang buwan kung kailan inaasahan ng pamahalaang lungsod ng Baguio na darating ang unang batch ng order na Astrazeneca ayon kay Mayor Benjamin Magalong, kaunti pa lamang ang suplay ng Astrazeneca na darating dahil na din ito sa limitadong suplay ng bakuna.
Pero kinakabahan ang pamahalaang lungsod sa Astrazeneca dahil lumabas sa ilang pagsusuri na epektibo lamang ang naturang bakuna sa mga senior citizen.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa Baguio. Mula sa target population na sa halos 80,000 na mula sa a1, a2 at a3 aabot sa 66,216 na mga taga Baguio ang nabakunahan. Papalo sa 20,758 ang nakakumpleto na ng bakuna. Dagdag na vaccination site sa Baguio ang Baguio Country Club. Ito na ang ikalimang vaccination center.