Sa parte ito ng Bued river sa Barangay Camp 7, Baguio City nakita ng isang residente ang hubot-hubad na bangkay ng isang lalaki noong lunes. Blangko pa ang mga pulis kung ano ang motibo sa pagpaslang at kung ano ang pagkakakilanlan ng biktima.
May isa nang pamilya ang sinubukang kilalanin ang naturang bangkay. Ngunit ayon sa kanila hindi ito ang kanilang nawawalang kapamilya. Ang tanging palantandaan sa naturang bangkay ay tinatayang higit 20-anyos at nasa limang talampakan ang tangkad.
Para sa mga gustong kumilala sa naturang bangkay, maaring sumanguni sa opisina ng Baguio City Police Office Station 8.