Mapasaya ang mga bata ngayong may pandemya, iyan ang layuning ng isang Community Toy Chest na binuksan sa Camp 7, Baguio City.
Higit dalawangdaang bata na ang nabigyan ng mga laruan mula sa Community toy Chest. Nabigyan din ng kahon ng mga laruan ang mga bahay ampunan sa lungsod.
Dumaan sa UV light ang mga laruan na mula sa mga donasyon para masanitize ang mga ito. Nagkaroon din ng disinfection sa lugar bago ito buksan sa publiko.
Sa mga gustong magdonate ng mga laruan ay maaari ninyong bisitahin at i-message ang facebook page na Baguio Community Toy Chest .