Mahigpit na binabantayan ngayon ng Candon City Veterinary Office ang posibleng pagpasok ng African Swine Fever kasabay na rin dito ang pagpapaalala ng mga paraan para hindi kumalat ang virus. Isa na dito ang mahigpit na pagsunod ng City Ordinance No. 922 o ang pagbabawal na maipasok ang mga baboy at meat products mula sa mga lugar at bansang kontaminado ng ASF. Ayon kay City Veterinarian Dr. Rolando Maranion, ang paala na ito ay paraan para na rin sa pagpapanatili ng Candon bilang ASF-Free. Naglagay din sila ng “Notice to Travellers” sa Farmer’s Market ng syudad kung saan nakasulat lahat doon ang mga produkto na bawal maipasok dito sa Pilipinas.
Samantala, tuloy-tuloy ang pagmomonitor sa mga kinakatay na baboy sa slaughter house ng Barangay San Nicolas dito sa syudad. Ayon naman kay Mayor Ericson Singson, gusto niyang protektahan ang industriya ng hog raisers at traders ng baboy para mapapanatili ang syudad na ASF-free lalo na ngayong may pandemya.
Ipinapaalala din sa publiko na sinuman ang mapapatunayang lalabag sa nasabing ordinansa ay may kahaharaping parusa.