Higit dalawang daang katao na ang namatay sa bakbakan sa pagitan ng Israel at Gaza.
Takot at lungkot ang bumalot sa mga OFW doon.
Habang may ceasefire, nag-organisa ang Association Of Igorot Migrant Workers In Israel ng sportfest para maibsan ang pangamba.
Dinaluhan ang nasabing sportfest ng ilang opisyal ng Philippine Embassy sa pamumuno ni Consul General Reichel Quinones at OWWA Representative Dina Ponciano.