BREAKING NEWS!

Daanan sa La Trinidad Benguet, Binakuran; mga residente, problemado kung paano makakadaan

Problemado si aling Annie at sampu pa nitong kapitbahay sa Cogcoga, Barangay Pico, La Trinidad Benguet. Para na rin daw kasi silang na-total lockdown.

Biglaang kasing sinimento at binarikadahan ang road right of way sa lugar. Kaya napapakamot tuloy siya kung papaano makakadaan.

Ayon kay Annie, binili ng isang kumpanya ang lupang nasa harapan nila. Hindi raw nila inakala na hahantong sa ganitong sitwasyon. Kaya humihingi na sila ng saklolo sa lokal na pamahalaan ng La Trinidad.

Ayon naman kay Mayor Romeo Salda, base sa nakalap nilang impormasyon ang bakod ay itinayo ng bagong owner, ang Pines City Doctor Hospital.

Nais lang ng ospital na matiyak ang seguridad sa lugar. Ngunit lumalabas na hindi umano sakop ang kalsada ng bagong biling lupa at wala pang kaukulang fencing permit ang nasabing proyekto.

Kahapon, binisita ni Mayor Salda ang lugar. Nadatnan niya ang mga nagsasagawa ng survey.

Dahil dito, sumulat sila sa mga may-ari para tanggalin ang bakod. Payag naman ang Pines City Doctors Hospital pero sa loob lamang daw ng labing limang araw.

Inalmahan ito ng lokal na pamahalaan. Dahil dito napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan na mag-usap ang mga may-ari ng lupa at mga residente.

Wala pang opisyal na pahayag o komento ang pamunuan ng Pines City Doctor Hospital tungkol sa issue.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


P1 OIL PRICE HIKE, BURDEN FOR MOTORISTS

BY: VANESSA BUGTONG   Construction worker Mark Anthony rides his motorcycle daily to work. Out of his 500 pesos daily wage, almost 150 pesos goes to fuel expenses. The recent

GUICONSULTA PROGRAM, BROUGHT TO MALASIQUI, PANGASINAN

BY: VALERIE ANN DISMAYA   At the start of 2025, the GuiConsulta program resumed operations under the Pangasinan Provincial Government. This time, the program reached Malasiqui, where Governor Ramon Guico

DID YOU KNOW THAT MUSHROOMS ARE NOT PLANTS?

BY: VALERIE ANN DISMAYA   Since mushrooms are often found on the ground or growing on trees, they are frequently mistaken for plants. However, according to the Missouri Department of