BREAKING NEWS!

Dalawa sa tatlong batang nalunod sa Solana, Cagayan, nahanap na

Humantong sa trahedya ang masayang paglalaro ng 4 na bata sa Solana, Cagayan.

Bangkay na kasi nang matagpuan sa parteng ito ng Cagayan river ang dalawang bata na nalunod noong Martes.

Una nang napaulat ang pagkalunod ng isa sa mga kasama ng mga biktima. Halos dalawang araw silang pinaghahanap.

Ayon sa report, nagkayayaan ang mga biktima noong lunes na mamangka para sana maligo ngunit nangyari ang hindi inaasahan.

Unang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ang 9 na taong gulang na babae. Kahapon, isang araw pagkatapos ng insidente ay natagpuan ang isang lalake at babae na kapwa onse anyos sa bahagi ng ilog na may isang kilometrong layo mula sa kung saan tumaob ang bangka.

Ayon sa mga opisyal ng barangay na may sakop sa ilog hindi alam lumangoy ng mga magpipinsan.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


PBBM, Justifies Reorganization of Officials

By: Charles Nikko Limon President Ferdinand Marcos Jr. explained his recent decision to reorganize his Cabinet, describing it as a “reset” aimed at ensuring his administration continues to function effectively