Mahalag and tuloy tuloy at sapat na suplay ng tubig lalo na ngayong pandemya.
May dalawang ikinasang programa ang Department Of Science And Technology o DOST Cordillera partikular na sa bahagi ng Mt. Province at Bued river basin.
Sa Mt. Province—kailangan ng karagdagang suplay ng tubig para sa irigasyon. Kasama rin sa proyekto ang rehabilitasyon ng rice terraces at pasilidad kontra baha.
Ngayon pa lang pinaghahandaan na ang mga posibleng problema sakali mang masimulan ang proyekto lalo na ang may kinalaman sa lupa..
Hangad na tuluyang maisakatuparan ang proyekto sa pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor.