Sabay-sabay nagduck, cover and hold ang lahat ng mga nasa opisina ng government line agencies sa Cordillera kaninang alas nuebe ng umaga.
Pakikiisa ito sa 2nd quarter nationwide simultaneous earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction Management Council
Hangad ay maging listo at alerto ang lahat kung sakaling tumama ang malakas na lindol
Kasama sa nakibahagi ang mga taga- Lapaz, Abra. Ibinida din nila ang ilang kagamitang pang rescue. Sa La Trinidad naman, pinangunahan ni Mayor Romeo Salda ang pag evacuate mula sa municipal hall.
Kahit abala sa COVID-19 response, nakiisa din ang Baguio General Hospital at Department of Health Cordillera sa naturang drill pinangunahan ito mismo ni Assistant Regional Director Amelita Pangilinan
Sa Itogon naman, mga miyembro ng Bureau of Fire Protection ang nanguna sa earthquake drill.