Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng 105th Manuever Company, RMFB1 at LGU-MDRRMO na pinangunahan ni MDRRMO III Adonis Aldrin Nono, na-rescue ang isang false killer whale sa karagatan ng Colibra Island, sa Barangay Eguia, Dasol noong nakaraang linggo.
Ayon kay Police Captain Brylle Dave Dong-oc, Company Commander ng 105th Manuever Company, nakita ng mga concerned citizen ang balyena na na-stranded sa gilid ng karagatan. May bigat itong 500 na kilo. Agad namang nai-turn over ang balyena sa BFAR- Mariculture Technology Demonstration Center ng Alaminos City para sa magamot ito Nag-iwan naman ng mensahe si Police Captain Dong-oc, na kung mayroon ganitong insidente ay agad na ipagbigay alam sa mga otoridad.
Binanggit din niya tuloy-tuloy ang kanilang programa ng โPatubig ng Pulisโ, Barangayanihan at iba pa nang sa ganun ay marami ang kanilang matutulungan