BREAKING NEWS!

Higit 10M na halaga ng marijuana, sinunog

Sa pinakahuling operasyon, higit sampung milyong pisong halaga ng marijuana ang binunot at sinunog sa Kibungan, Benguet.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, aabot sa 37,250 na piraso ng fully grown marijuana plant ang sinira mula sa nadiskubreng plantasyon sa Sitio Dalipey, Barangay Tacadang At Sitio Naptong sa Barangay Badeo.

Ang operasyon ay nag-umpisa noong June 25 at nagtapos kahapon. Nasukol ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga at Isabela Police kahapon sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela ang isang sasakyan na may kargang sampung kilong pinatuyong marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng 1.2 million pesos. Nakumpiska rin ang kalibreng trentay otsong baril.

Base sa report,nakatanggap ang Rizal Municipal Police Station ng impormasyon na isang grey Toyota Vios ang kargado ng pinatuyong marijuana na binili sa Tabuk City, Kalinga. Agad pumusisyon ang mga operatiba ng Rizal Municipal Police sa checkpoint. Pinatgil nila ang sasakyan nang ito’y parating sa checkpoint pero humarurot palayo. Kaya nagsagawa ng hot pursuit operation ang pinagsanib na pwersa ng Pro-Cordillera at Region 2 Police.

Bandang alas dos ng hapon ay na-korner ang sasakyan at naaresto ang mga suspek. Kinilala ito ng PNP na sina Jerwin Lipalam, 24 anyos; Jayson Pallares Tresmil, 24 anyos; Alvin Lampag Guiab, 20 Anyos ; at alyas Marco, 17 anyos.

Sa Abra, huli ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA sa bayan ng Bangued ang isang umano’y drug personality.

Kinilala ng pdea ang suspek na si Arvie Bigornia, isang sales executive.

Sa buy bust operation, nasamsam umano sa suspek ang shabu na nagkakahalaga ng 11, 560.00 pesos.

Dahil sa operasyon, kumpiskado rin ang motorsiklo na gamit ni Bigornia sa pagtutulak ng droga.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


P40 WAGE HIKE IN CORDILLERA, APPROVED

For nearly 12 years, security guard Jack has managed his family’s needs with his current salary. But with the rising cost of goods, he’s had to stretch his budget to