Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa Baguio City.
Sa ngayon kasi, papalo na sa 13,854 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan, 570 ang mga aktibo.
Kabilang sa mga binabantayan dito ang tatlong clustering ng kaso na unti-unting tumaas nitong nakaraang linggo.
Ito ang mga police trainee, business process outsourcing or BPOs at volleyball team na nagsasanay sa lungsod.
Nauna nang ipinatigil ni Mayor Benjamin Magalong ang training ng mga police trainee pero hanggang sa ngayon tuloy tuloy pa rin ang pagtaas ng kaso mula sa nasabing cluster.
Mula sa 98 na police trainees, papalo na sa 105 ang nagpositibo.
Binabantayan din ng pamahalaang lungsod ang clustering ng kaso ng COVID-19 sa isang volleyball team na nagsasanay sa lungsod.
Ayon sa pamunuan ng nasabing kupunan, nagkaroon ng kalituhan kung saan paglilinaw nila, hindi sila parte ng Philippine Sports Commission at hindi sila lalaban sa anumang palaro sa SEA Games.
Nauna nang itinanggi ng Philippine Sports Commission o PSC na hindi sakop ng training bubble para sa SEA Games 2021 ang nasabing koponan.
Nakasaad din sa pagpapaliwanag ng PSC na sa unang araw pa lamang ng Hulyo magsisimula ang training bubble ng national team na magsasanay sa lungsod at sasabak sa SEA Games 2021.
Kasama din sa mga binabantayan ng pamahalaang lungsod ang clustering ng mga kaso ng COVID-19 sa mga BPO.
Aabot na kasi sa 50 mga empleyado ang nagpositibo sa mga malalaking kumpanya ng BPO sa lungsod.