BREAKING NEWS!

Iba’t ibang proyekto ng Red Cross Baguio, patuloy na umaarangkada

Sa kabila ng pandemya, walang tigil ang blood donation drive ng Red Cross Baguio. Laking pasasalamat din ng Red Cross Baguio sa mga walk-in blood donors ng syudad ngayong buwan ng Hunyo, kung kailan ipinagdiriwang ang World Blood Donor Day.

Nagsimula ngayong araw, ang kanilang COVID-19 response project na may kaugnay sa proper hygiene kits and washing etiquettes.

Unang barangay na nakatanggap ngayong araw ay ang barangay Irisan. Tatlumpu’t limang hygiene kit ang naibigay ng Red Cross Baguio. Asahang puspusan ang gagawing scheduled donation drive nito sa iba’t ibang barangay sa syudad ng Baguio.

Paalala ng Red Cross Baguio sa lahat, patuloy pa ring sumunod sa iba’t ibang health protocol tulad ng paggamit ng face mask, face shield at physical distancing.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *