BREAKING NEWS!

Ilang bahagi ng bagong bukas na supermarket sa Pampanga, binaha dahil sa malakas na ulan

Tumagas ang tubig sa kisame ng isang supermarket sa Angeles City, Pampanga

Sa tindi ng ulan sa isang bagong bukas na supermarket sa Angeles City, Pampanga pasado alas sais noong Linggo ng gabi, tumagas ang tubig sa kisame at bumaha sa ilang bahagi ng gusali.

Agad na tumabi ang mga mamimili para hindi mabasa, at umalalay din ang mga empleyado ng supermarket para walang madulas o mapahamak.

“Pero ako po medyo kinabahan lang kc baka biglang bumagsak ung design na kahoy-kahoy sa ceiling. Pero hanggang nakaalis kami mukhang hindi naman bumagsak at ok naman nung umalis kami. Maayos naman po mga personnel ng landers para i-handle yung situation,” sabi sa isang messenger chat ni Ruth Elaine Tuazon Vilaga na siya ring kumuha ng video ng mistulang indoor waterfalls sa loob ng supermarket.

Ayon sa PAGASA Clark, ang malakas na pag-ulan ay dulot ng localized thunderstorms.

“Moderate to heavy rain po ang ating nararanasan,” paliwanag ni Manuel Esguerra Jr., chief meteorologist ng PAGASA Clark.

“Kahit po tayo ay tag-init, expect na po natin lagi na baka everyday na yan – yung mga localized thunderstorms. Malakas po kasi yung evaporation during the day so nagkakaroon ng convective yun. Nabubuo po yung mga clouds at hindi na po niya kaya ma-hold up yung water vapor niya na naaabsorb kaya ibabagsak po niya yan as rainfall,” dagdag nito.

Ayon din sa PAGASA, ang pag-ulan ay inaasahan tuwing hapon o gabi kahit ngayong panahon ng tag-init.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean