BREAKING NEWS!

Ilang mga sakit na uso ngayong tag-ulan tulad ng Leptospirosis, Dengue, at Typhoid fever, nakitaan ng pagtaas ng kaso

Malapit ang boarding house ng college student na si Jessica sa isang ilog. Ikinababahala niya rin na bahain ang kanilang lugar sa barangay Pinsao Proper dahil sa dami ng mga umaapaw na kanal. Kaya todo pag-iingat siya lalo na ngayong tag-ulan. Aniya natatakot siya dahil mag-isa nya lang ditto sa Baguio dahil nasa Mountain Province ang mga magulang nya kaya todo ingat raw siya laban sa dengue. Dagdag pa nya, pinakamabisa parin ang pagkain nang masustansya at malusog na katawan para maiwasan ang dengue Palagiang paglilinis naman ng paligid ang isa sa mga payo ni kapitan Marcial Josafat.

Hindi raw kasi maiiwasang magkasakit talaga ngayong tag-ulan. Bukod sa suhestyon niya na paglilinis ng paligid, ay ang pagtanggal sa mga bote na pinamumugaran ng mga lamok. Para sa leptospirosis naman, hangga’t maari daw ay iwasan ang paglusong sa baha. Ang mga nabanggit ni jessica at kapitan marcial ay mga payo rin ng department of health dahil sa ulat ng pagtaas ng mga kaso ng common diseases ngayong tag-ulan tulad ng dengue, leptospirosis, diarrhea, at typhoid fever. Sa panayam kay secretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon daw ay ang pagsubok sa ating lahat ay ang pagkakapuno ng mga ospital dahil sa mga sakit na hindi konektado sa covid.

Aabot nadaw sa labinwalong libo ang bilang ng mga naadmit sa mga ospital dahil sa dengue sa buong bansa. Sa cordillera, tumaas ng halos 205 percent ang kaso ng dengue mula enero hanggang Agosto ngayong taon. Ang pinakamaraming kaso nito ay nagmula sa Benguet at Kalinga na umabot ng higit dalawang libo. Bagamat nakitaan naman ng pagbaba ng limang porsiyento sa kaso ng leptospirosis sa buong rehiyon, pinag-iingat pa rin ang publiko lalo na ngayong mas dumadami pa ang binabahang lugar.

Dagdag pa ni Vergeire, patuloy din ang pagsuporta ng lokal na gobyerno para sa ating mga kababayan na lumusong sa baha. Pinaalala niya din na meron tayong post-exposure prophylaxis diyan para hindi tayo magkasakit ng leptospirosis. Nakitaan din ng 31 porsiyentong pagtaas ng kaso sa acute bloody diarrhea at 126 porsiyentong pagtaas naman sa typhoid fever. Ngayong mas lumuwag na ang restriksyon sa pandemya at balik face to face classes na ang karamihan, pinapaalalahanan pa rin ng mga otoridad na mag-ingat ang publiko lalo na ngayong tag-ulan.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean