Malaki ang ambag ng Ilocos Sur-Abra Road lalong lalo na ang mga Abrenio pagdating sa ekonomiya at turismo. Ito ang sinabi ni Bokal Efren Rafanan na siyang Committee Chairman ng Agriculture. Maliban dito, malaking kaginhawaan ng mga taga-Abra dahil makikinabang na rin sila sa mga health services ng Ilocos Sur.
Ang proyekto na ito ay inisiatibo at pinundohan ni Congressman DV Savellano sa pamamagitan ng suporta ni Gov. Ryan Luis Singson. Ayon kay Bokal Rafanan, isa hanggang dalawang taon mula ngayon ay pwede na itong daanan kung saan 45-minuto na lang ang tagal ng biyahe. Hindi na gaya ng dati na kailangan mo pang bumiahe ng dalawang oras mula San Quintin, Abra; Quinarayan, Narvacan at Santa para marating ang syudad ng Vigan.
Halos 100 metro ang tulay maliban pa dito ang mga daan na magkokonekta sa Vigan hanggang Bangued. Ang tulay na ito ay bahagi ng Abra at maikokonekta sa pamamagitan ng pundong inilaan ni Congressman JB Bernos kaya madali lang ito matatapos.
Maliban dyan, sinabi niya na mas madali nang mailapit ang mga produkto ng Abra gayundin ang Ilocos Sur.