Libu-libong Pangasinense ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Inaasahan namang magiging susi sa pagbangon ng ekonomiya ng lalawigan ang Special Economic Zone sa bayan ng Binalonan dahil sa libu-libong trabaho.
Walang puknat ang konstruksiyon ng gusali ng Sumi-North Wiring Systems Corporation o SNPW sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.
Pagawaan ito ng wiring harness at electronic products na -i export sa Japan at North America.
Nakatayo ang SNPW sa dalawampung ektaraya lupain. Ito ang pinaka-unang locator sa industrial park ng Binalonan.
Sampung libong trabaho ang ibibigay ng SNPW.
Hinahanda na ang iba pang bahagi ng industrial park. Kabilang sa mga inaasahang susunod na mamumuhunan dito ay mga nasa linya ng information technology, aviation industry at business process outsourcing.
Pag nagkataon, ang sampung libong trabaho na ibibigay ng SNPW ay mati-triple.