Nagbukas ng karagdagang isolation units sa Provincial Isolation Unit ng Abra. Apat na pu ang head capacity ng pasilidad.
Sa ngayon nasa 140 na COVID-19 patients na ang pwedeng ma-accommodate sa Provincial Isolation Unit ng Abra.
Merong 139 aktibong kaso ng COVID-19 sa Abra. 51 na ang na-admit sa Provincial Isolation Unit.
Hiniling naman ni San Fernando City, La Union Mayor Dong Gualberto sa DOH na masimulan na ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group.
Nagpadala ito ng sulat sa tanggapan ng Regional Director Ng Doh Region 1. Hiling din nito na madagdagan ang suplay nila ng bakuna.
Sa sulat sinabi pa ni Gualberto na karamihan sa mga aktibong kaso ng lungsod ay mga kabilang sa 21 hanggang 50 age bracket o yung mga nagtatrabaho.
Sa ngayon mahigit labin tatlong libo na ang nabakunahan sa San Fernando City,La Union.
Tuloy tuloy pa rin ang inspeksyon ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno ang pasilidad ng PHINMA University of Pangasinan. Ito’y para sa plano ng unibersidad na magkaroon ng limited face-to-face classes ng health-related courses.
Ito’y alinsunod na rin sa inilabas na kautusan ng CHED at DOH.