BREAKING NEWS!

Food pantry, alok ng isang guro sa kanyang mga estudyante

Mga guro nagpasalamat sa isang post sa mga boluntaryong nagbigay ng tulong para sa kanilang mga pantry. Larawan mula kay Christian Obo

Handog ng isang guro ang libreng food pantry sa kanyang mga estudyante. Tulong niya daw ito sa mga estudyanteng walang-wala. Laging sinasabi ni Sir Christian Obo sa kanyang mga estudyante na breakfast is the most important meal of the day. Kaya sa pagbabalik ng face-to-face class ngayong Agosto, napagdesisyunan niyang magpatayo ng maliit na school pantry sa kanyang classroom. Ayon kay Sir Christian napakaimportante daw na sa tuwing papasok sa eskwela ay dapat laging may laman ang ating mga tiyan. Dagdag pa niya bilang isang MAPEH Teacher, lagi daw niyang pinapaalalahanan ang kanyang mga estudyante na ang almusal ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Sabi pa niya kung walang almusal wala kang sigla na makilahok sa mga aktibidad sa paaralan.

Makikita sa kanyang school pantry ang iba’t ibang tinapay, biscuits, chocolate at milk drinks. Lahat ito ay libre para sa kanyang mga estudyante. Ayon kay Sir Christian malaking tulong daw ito sa mga estudyante at sa kanilang pag-aaral. Ang bente pesos daw ay may malayo nang mararating sa pagtulong. Sa kanyang karanasan meron siyang pitong estudyante na patuloy niyang tinutulungan sa tulong din ng kanyang mga kapatid at kaibigan.

Dagdag pa niya hindi niya daw kakayanin kung siya lang mag-isa ang gumagawa sa pagtulong. Kaya kailangan daw niyang maghanap ng mga makakasamang makakatulong pa, mga taong kayang sumuporta sa ganitong kabutihang gawain. Kwento niya, sinimulan na niyang magdala ng pagkain noong pang 2017. Pero dahil sa pandemya ay natigil ito. Kaya ngayong new normal, hangad niya matulungan ang kanyang mga estudyante. Para daw sa kanilang mga guro ayon kay Sir Christian, naniniwala daw sila na ang mga estudyanteng ito ang magiging susunod na pinuno kaya kailangan daw nilang matutukan at masuportahan sa kanilang mga pangangailangan habang nag-aaral. Sinang-ayunan din nila ang kasabihang pinapaniwalaan ng mga magulang na ang edukasyon ang pinakayaman na hindi mananakaw.

Nagpapasalamat din siya sa tulong ng mga kapwa niya guro. Mula dito, lahat ng nasa pitong-baitang na silid aralan sa Kapayapaan Integrated School ay mayroon nang sariling libreng food pantry. Dagdag pa ni Sir Christian, layunin daw nilang ibigay lahat ng pangangailangan ng mga estudyante sa abot ng kanilang makakaya para mas marami pa silang makamit na mga pangarap sa hinaharap. Ang kailangan lang daw gawin ng kanilang mga estudyante ay ang maniwala sa kanilang sarili dahil andiyan silang mga guro na laging sumusuporta sa kanilang likod. Samantala, umaasa si Sir Christian na magtatagal pa ang school pantry nila hanggang sa matapos ang school year na ito.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

A Daily Dose of Gratitude

By: Melan Ku Marquez Easier said than done, we often hear motivational speakers talk about GRATITUDE and religious  people preached about being grateful every day but the word, GRATITUDE is

The Elusive Elections

The last Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) was held in 2018 after two previous postponements. The next BSKE should have been held in year 2020, however it was again