Tiniyak ng bagong pinuno ng Baguio City Police Office na lalo pang palalakasin ang kampanya kontra sa droga.
Kasunod ng magkakahiwalay na pagkahuli ng mga high value target sa illegal na droga sa Baguio. Inatasan ni Police Colonel Glenn Lonogan ang kanayang mga kasamahan na paigtingin pa ang kampanya kontra droga.
Ayon kay Lonogan, mahalagang matanggal ang mga high value target sa bentahan ng illegal na droga. Ito kasi ang mga pinanggagalingan ng supply. Dagdag pa ni Lonogan, dapat maging aktibo pa ang mga bumubuo sa Barangay Anti Drug Abuse Council.
Sa ngayon kasi ay may mga pailan-ilang barangay na apektado pa rin ng ng illegal na droga sa lungsod. Base sa monitoring ng PDEA Cordillera, talamak parin ang bentahan ng shabu at marijuana sa lungsod.
Sa huling datos ng Baguio City Police Office, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay aabot na sa 77 operation kontra droga ang isinagawa nila. Aabot sa 103 ang nahuli at sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.