BREAKING NEWS!

Lalaki, arestado dahil sa ilegal na droga

Arestado sa isang anti-illegal drug buy bust operation ang isang lalaki sa barangay San Isidro, Candon City na nagbenta ng ilegal na droga nitong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Loreto Munar Lacaden, 27-anios, walang asawa, bagger sa isang grocery at residente ng nasabing lugar.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Candon City Police Station; PDEA Region 1 Regional Drug Enforcement Unit 1 at iba pa sa pamamagitan ng suberbisyon ni PLtCol. Randy Arellano.

Ayon sa pulisya, matapos magkapalitan ng pera at ng shabu ang nagpanggap na buyer at suspek ay agad nila itong inaresto. Nakuha ng mga otoridad ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang may lamang shabu at P5,000 buy-bust money.

Maliban dito ay nakuha rin sa suspek ang isang cellular phone at kabilang siya sa Street Level Individual. Kasalukuyan itong nakakulong sa Candon City Police Station at mahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

CJH Team 1 virtual Seniors Fil B winner

Camp John Hay Team 1 virtually clinched the Seniors Fil B title after upping its lead to 53 with a round remaining in the 72nd Fil-Am Invitational Golf Tournament Tuesday at