Nananatili pa ring red zone ang limang munisipalidad dito sa Ilocos Sur dahil sa African Swine Fever. Kabilang dito ang Sta. Lucia; Sta. Cruz; Tagudin, Suyo at Sugpon. Ayon kay OIC Provincial Veterinarian Dr. Celso Gao-ay, buwan ng Marso ng huli silang nakapagtala ng kaso ng ASF sa bayan ng Sta. Lucia.
Kung wala sanang naitala na ASF sa nasabing buwan ay pwede nang i-apply ang limang bayan para sa sentineling.
Sa ngayon, kasalukuyan ng naisasagawa ang ASF vaccine trials sa Luzon kasabay na rin dito ang training ng mga magiging Biosecurity Officers bawat munisipalidad na apektado ng sakit dito sa probinsya.