BREAKING NEWS!

Limang hijacker patay sa pakikipagbarilan sa mga pulis ng Benguet

Limang hinihinalang hijacker ang patay matapos maka-engkwentro ang mga pulis ng Tuba, Benguet at operatiba ng Highway Patrol Group kaninang alas tres ng madaling araw.

Hatinggabi kanina sinalubong ng limang armadong lalake na sakay ng SUV ang truck na ito sa La Trinidad, Benguet.

Tinutukan ang driver saka pinasakay sa SUV. Dalawa naman sa mga hijacker ay sumakay sa truck at sinundan ang SUV. Pagdating sa Longlong Road, pinakawalan ang driver.

Agad nagsumbong sa La Trinidad Police Station ang driver na hindi na muna kinilala ng pulis para sa kanyang proteksiyon.

Naging maingat ang mga pulis dahil armado ang mga suspek. Dead on the spot ang lima dahil sa tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sumadsad sa concrete barrier ang truck. Rumampa sa gilid at bukas ang lahat ng pintuan ng SUV. Nagkalat ang mga basyo ng bala.

Apat na short at isang long firerarm ang nakuha sa kanila. Dalawa naman ang nakasuot ng uniporme ng pulis.

Para kay Col. Rene Pasiwen, malaki itong accomplishment ng Benguet Police. At ang higit niyang ipinagpapasalamat ay walang nasugatan sa kanilang hanay.

Inaalam pa ng mga pulis kung ang SUV na gamit ng lima ay nakaw din dahil wala itong plate number.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

22 Teams entered in 3rd Cordillera Dance Fest

LA TRINIDAD, Benguet – Some 22 dancesport teams are expected to see action in the 2023 Cordillera Dance Festival – 3rd Dancesport Competition on October 14 at the newly refurbished