BREAKING NEWS!

Limang umanoy hijacker na namatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis ng Benguet, di pa rin nakikilala

Hindi pa rin nakikilala ang limang hinihinalang hijacker na namatay matapos maka-engkwentro ang mga pulis ng Tuba, Benguet at operatiba ng Highway Patrol Group kahapon.

Blangko pa rin ang Benguet PNP pagdating sa pagkakakilanlan ng limang lalake na nang-hijack sa isang truck sa La Trinidad, Benguet kahapon.

Ayon kay Capt. Marnie Abellanida, tagapagsalita PNP Cordillera, dinala na ang mga biktima sa Damayan Funeral Homes. Hanggang ngayon ay wala pang nagpupunta doon para kilalanin ang lima.

Ala una ng madaling araw, isinumbong sa La Trinidad Municipal Police Station na na-nahijack ang isang truck. Pagkalipas ng dalawang oras, nasalubong ng mga pulis ng Tuba, Benguet at operatiba ng Highway Patrol Group ang truck at sinunsundan nitong SUV sa Taloy Sur, Tuba, Benguet.

Matapos ang engkwentro, patay ang lima. Matapos iproseso ng SOCO ang crime scene, apat na kalibre kuwarenta’y singko at modified 9mm rifle ang narekober.

Base sa report, ang dalawang caliber 45 ay may parehong serial number na 53437.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


NEW FOOTBRIDGE IN PUGO, INAUGURATED

BY: VALERIE ANN DISMAYA A safer and more convenient pathway, that’s what the new footbridge in Sitio Puraw, Pugo, La Union, offers. With the leadership of Mayor Kurt Walter Martin