Pagputok ng alas sais ng umaga, umarangkada na ang mga siklista sa kahabaan ng Baguio City. Itoy sa pagsisimula ng ride out Baguio 2022. Dinaluhan ito ng dalawang daang siklista. Ito ay bilang parte pa rin ng selebrasyon ng ika-isangdaan at labing tatlong anibersaryo ng Baguio Charter Day. Ayon kay Stephen Lopez Felices, race director ng ROX Baguio, ay mayroon lamang silang 200 slots para sa event at agad itong na sold-out. Kaya naman laking tuwa niya ng sumama ang sunday ride ng lungsod na pinangungunahan ni Mayor Magalong at ito ang dahilan kaya ang ride out Baguio ay ang naging pinaka malaking ride out sa Pilipinas.
Isa ito sa pinakamahabang cycling event sa lungsod matapos ang halos dalawang taong pandemya. Kwento rin ni Mayor Benjamin Magalong ay naging exciting ang event dahil maski mga beginners ay nakisabay sakanila noong linggo. Tatlomput apat na kilometro ang tinakbo ng mga siklista. Isang oras at kalahati an kanilang ginugol upang malibot ang ilang mga magagandang destinasyon sa lungsod tulad ng Burnham Park, Wright Park, at PMA. Ikinatuwa rin ang pagdalo ng ilang mga kalahok mula sa iba’t ibang parte ng bansa Ayun rin sa area operation head ng ROX na si Shyrell Aquino ay mayroong mga naging interesado sumali sa labas ng Baguio.
Dagdag pa niya ay hindi ito ang pangkaraniwang race dahil para lamang itong parte ng Sunday ride na ginagawa ng lungsod. Determinasyon at tibay naman ang baon ng dalawang triathlete na sina Micah at Toni na bumiyahe pa mula sa Maynila. Ani ni Micah Munoz at Toni Favis ang mga triathletes mula Maynila ay magandang maranasan ang challenging na paahon na daan ng Baguio dahil tiyak na mag-eenjoy ang mga tao. Dagdag pa ni Micah, hindi lamang tourist destination ang Baguio dahil maganda rin ito para sa sports. Isa ang pagbibisikleta sa mga aktibidad na isinusulong ngayon sa Baguio City Bukod kasi sa exercise, mga bagong kaibigan din ang makikilala sa mga aktibidad na tulad nito. Kaya sa hinaba-haba man ng kanilang paglalakbay, masaya ang lahat na kanilang nakumpleto ang kanilang ruta.