BREAKING NEWS!

Malakihang pagtitipon sa La Union, hihigpitan

Sa bisa ng Advisory Number 47, muling hihigpitan ng pamahalaang panlalawigan ng La Union ang mga malakihang pagtitipon.

Dahil dito, inatasan ang lahat ng mga punong barangay na ipatupad ang ang nilalaman ng DILG Memorandum Circular No. 2021-058 .

Kabilang dito ang pagtiyak na nasusunod ang minimum health protocols, pagtatayo ng barangay COVID-19 operations center at barangay tanod health patrols. Regular na inspeksiyon ng mga sports recreation at leisure facilities gaya ng parke, gym, resorts at running tracks para matiyak na nasunod ang social distancing.

Alinsunod sa panuntunan ng Inter Agency Task Force lilimitahan ang mga kapistahan, inuman, beauty pageant, sabong, tupada at iba pang malakihang pagtitipon.

Base sa pinaka-huling monitoring, dalawampu’t walo ang naitalang bagong kaso ng COVID-19. Anim naman ang gumaling.

Sa kabuuan ay may 146 total active cases ang lungsod. Bukod sa pagsusuot ng face mask at face shield, pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga residente na pinaka-mabisang paraan upang maging ligtas sa COVID-19 ay ang pagpapabakuna.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


CAN CHERRIES HELP YOU SLEEP BETTER?

BY: VALERIE ANN DISMAYA   Cherries are not just delicious fruits but are also packed with nutrients that benefit the body. But where did they originate, and how do they