Nagluluksa ngayon ang mga mamamahayag sa Baguio City. Nalagasan kasi sila ng isa sa mga batikang kasama sa pagbabalita.
Kanina, pumanaw si Cesar Reyes o kilala bilang kuya Cesar o cez sa edad na 61. Agad isinailalim sa cremation ang kaniyang mga labi. Mayo 18 nang magpositibo ito sa COVID-19. Nakaranas ito ng lagnat at hirap sa paghinga. Lumala ang kaniyang kondisyon hanggang humantong sa kaniyang kamatayan. Meron din itong sakit sa puso. Nabakunahan pa si kuya Cesar ng unang dose ng SINOVAC.
Board of Director ito ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club o BCBC at miyembro ng National Press Club. Inalala ng mga kasamahan ang masasayang sandali kasama si kuya Cesar.
Panawagan ng bcbc sa mga mamamahayag—-patuloy na mag-ingat.
Si kuya Cesar ang pinakaunang mamamahayag sa Baguio na namatay dahil sa COVDI-19. Sa datos ng BCBC, labing isa na ang mga mamahayag na dinapuan ng nasabing sakit.