Patuloy ang pagsusumikap ng mga Abrenyo para labanan ang hamong dala ng pandemya.
Si Thelma Dangatag Bermudez ng Villaviciosa, Abra paggawa ng mango pickles ang pinagkaka-abalahan. Kasunod ito ng panalo niya sa fruit and vegetable processing and preservation na inilunsad ng Agricultural Training Institute ng Cordillera. Namumunga ang mga mangga sa Abra mula Setyembre hanggang Disyembre. Inaani naman ang mga ito tuwing Enero.
Usap-usapan naman sa bayan ng Dolores ang mga garden pots at home decors na gawa ni Florence Eduarte. Nagkakahalaga ang mga ito ng mula tatlong daan hanggang isang libo at limang daang piso.
Sa Bangued, Abra naman, isinagawa ang mobile blood donation sa pangunguna ng Philippine National Red Cross at pamahalaang panlalawigan. Aabot sa labing pitong bag ang nakolekta sa mga donor mula sa 24th Infantry Battalion ng Philippine Army at Abra Masonic Lodge No. 86.