BREAKING NEWS!

Mga Badjao sa lansangan ng Dagupan, ni-rescue

Larawan ng mga badjao na ni-rescue. Photo Courtesy of Dagupan PIO

Perwisyo para sa mga katulad ni Solidad Quinto ang mga pagala-galang badjao na nagkalat sa mga lansangan ng Dagupan city, Panggasinan. Aniya, dagdag pa ang nakakatakot ma pag tawid kung saan saan ng mga batang badjao at ang mga biglaang pagsampa ng mga ito sa jeep. Ang ilan naman sakanila namamalimos sa mga overpass. Madalas silang madaanan ni Aira Gambao, pero bagamat nakararamdam ng takot sa mga maaring gawin kapag hindi niya bingyan ng pera ang mga ito, nananaig ang kaniyang awa. ito ay marahil ito na lamang ang kanilang oaraan para mabuhay kahit walang bahay na uuwian sa gabi.

Para maiwasan ang anumang insidente na maaaring maidulot ng mga badjao sa lansangan, minabuti na ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan na irecue ang mga ito. Ayon kay Anti-Littering Magsaysay Head Jaime Serna Jr., Kanilang tinututukan ang mga badjao na namamalimos ay umaakyay sa jeep marahil ito ay maaaring maging sanhi ng Disgrasya. Dagdag pa ni Serna, na inendorso ng Task Force Vulnerable ito sa City Social Welfare Development (CSWD) para ligtas na maibalik sila sakanilang lugar. Sakanilang huling datos aabot sa 100 badjao na ang ibinalik sa Nueva Dagupan, kung saan karamihan sa mga ito ay nakatira, pag aaralan pa rin naman ng pamahalaang lungsod ng Dagupan kung ano pa ang mga programang maaaring makatulong sa mga ito lalo na sa usaping pangkabuhayan at edukasyon. Sa ngayon ay binabantayan at iniikutan pa din ng mga ahensyang nakatalaga sa programang ito ang mga kalye ng dagupan. Dahil sa patuloy panunumbalik ng mga ito sa lansangan.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean