Inamin ni Mayor Benjamin Magalong na matamlay pa rin turismo sa Baguio.
Ito’y sa kabila ng pagbubukas ng travel bubble ng lungsod sa ibat-bang bahagi ng Northern Luzon. Ayon naman kay Department Of Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, susubukan nilang suportahan ang mga LGU at mga turista para sa testing.
Gayon din ang usapang pagbubukas ng turismo ng Baguio sa mga lugar na nakapaloob sa NCR Plus. Dito nanggagaling ang malaking bilang ng mga turistang pumapasok sa lungsod.
Dagdag pa ni Puyat, iginagalang nila ang mga patakaran ng mga LGUs sa turismo at tiniyak nila ang pag-alalay sa mga ito para sa responsableng turismo habang may pandemya.
Umaasa si Mayor Magalong na kapag nakumpleto na ang 70% herd immunity ng Baguio, mabubuhay ulit ang turismo ng lungsod.
Dahil dito, matitiyak na protektado ang mga residente at mga turista sa kanilang pagbisita mula sa COVID-19.