BREAKING NEWS!

Mga magsasaka ng tayum Abra, matuturuan na ng mga bagong kaalaman sa pagtatanim ng high value crops

Labis na ipinagpapasalamat ngayon ng mga magsasaka ng Tayum, Abra ang pagkakaroon ng greenhouse.

Ito ang magsisilbing pasilidad para maturuan ang mga magsasaka ng mga bagong kaalaman sa pagtatanim ng high value crops.

Ang pasilidad ay ipinatayo ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng local grant in aid program ng DOST Abra.

Ang greenhouse ay may lawak na 90 square meter. Sa bawat anihan ay inaasahang makakapag produce ito ng 100 kilo ng gulay.

Sumailalim na sa training ang mga agriculture extension workers tungkol sa greenhouse technology.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.