BREAKING NEWS!

Mga mamimili hati ang opinyon sa PALENG-QR

BAGUIO CITY- Ang cashless transaction ay sinimulan sa ilalim ng programa ng bangko sentral ng pilipinas at department of local interior and local government noong August 14, upang mapabilis ang transaksyon ng mga mamimili at nagbebenta. Ugnay sa nalalapit na pagpapatupad ng cashless transaction o e-payment sa baguio public market o tinatawag na “palengke-qr ph” ito ay umani ng iba’t ibang komento mula sa mga mamimili at mga nagbebenta sa palengke.

Sinang-ayunan ni Aling Xenia Orbita ang pagkakaroon ng cashless transaction gamit ang iba’t-ibang digital payment application dahil isa siya sa mga tumatanggap na ng bayad mula sa gcash bago pa mag pandemya. Para naman sa estudyanteng si Shanaia Pasion, mas gusto din niya ang paggamit ng cashless transaction sapagka’t ito na ang kanyang nakagawiang gamitin sa pamimili. Samantala, ang iba naman sa mga tindera ay mas pipiliin pa din ang tradisyunal na pagbabayad sa ngayon.

Tulad na lamang ni Aling Anghel De Vera na hindi pa gamay ang paggamit ng mga digital payment sa pagbebenta. Ganun din ang pahayag ni Lola Mary, ayon sakanya sapagkat hindi pa umano siya pamilyar sa paggamit ng cashless payment. Paglilinaw naman ni Mayor Benjamin Magalong, hindi pa ito mandatoryo sa lahat ng tindera sa palengke at maaari parin makapag transksiyon ngayon sa mga tindera gamit ang cash o QR code. Higit dito, mahalagang malaman na ang pagyakap sa ganitong mga makabagong pamamaraan ay isang hakbang para sa pagiging innovation hub ng lungsod.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean