Umarangkada na ang pagbabakuna sa mga nasa A4 category sa Baguio City. Kasama na rito ang mga mamamahayag.
Kaya naman sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga nasa A4 category, si Rodel dali-daling pumila.
Kakarecover niya lang kasi mula sa COVID-19 kaya naman, nais niyang hindi na ito maulit.
Auditor sa isang hotel si Rodel kung saan kailangan niyang lumabas para magtrabaho kung saan pasok siya sa A4 category.
Hindi rin nagpahuli ang mga nasa sektor ng media. Sakop din sila ng A4 category.
Sa dami na rin ng a4 nang pumila kanina sa mga vaccination site, target ng pamahalaang lungsod na dagdagan pa ang mga vaccination center.
Mula sa 70% na populasyon ng lungsod na babakunahan, A4 ang pinakamarami.
Tiniyak din ng pamahalaang lungsod na marami pang darating na bakuna..
Aabot sa halos dalawang libo na mga A4 ang natapos turukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa pagsisimula ng roll out sa nasabing sektor simula noong biyernes.
Umaasa parin ang pamahalaang lungsod na maaabot nito ang 70% herd immunity sa Nobyembre.