BREAKING NEWS!

Mga paaralan , kumpyansa na sa 5-day face to face class

Ang litrato ay kuha sa isang classroom ng mga batang nasa ikatlong baitang sa Quezon Elementary School habang sila ay nakikinig sa kanilang na si Gayle Tanhuan.

Aktibo at masiyahin, ganito ilarawan ni teacher Gayle ang kanyang mga estudyante matapos ang mahigit isang buwan pa lamang na face to face class. Tatlong araw na lamang kung mag face to face class si teacher gayle at ang kanyang hawak na grade three na mga estudyante. Aniya ay sabik daw ang mga mag-aaral na bumalik at pati daw ang mga guro , dagdag pa niya iba parin talaga ang face to face kumpara sa mga modules lang. Kaya kahit isang buwan palang nag fa-face to face kumpiyansa na siya sa 5-day face to face class. Puna ni teacher Gayle, ang tatlong araw dawn a face to face ay animo’y kulang pa para sa mga bata at sabik na daw silang gawin itong limang araw. Ayon kay prisipal Ligaya Anawi ng quezon elementary school, naghahanda na sila para dito.

Aniya pa, hinanda nila ang mga bata pati narin ang mga guro sa pamamagitan ng pagtratransisyon kung saan ang unang tatlong araw ay face to face at ang dalawang araw naman ay inilaan nila para sa pag-aaral sa kani-kanilang mga bahay. Aniya malaki ang ginagawa nilang adjustments sa aprubadong calendar of activity ng department of education, dapat nang ipatupad ng pampublikong paaralan ang 5-day face to face class pagsapit ng Nobyembre.

Paliwanag niya, kung didiretsuhin na lamang araw ang face to face ay mabibigla ang mga mag-aaral at pati narin mga guro. Mayroon nang ibang paaralan ang nagsasagawa ng 5-day face to face class, pero ang ibang paaralan ay namili ng kombinasyon ng tatlong araw sa face to face at dalawang araw na distance learning. Ang iba naman apat na araw face to face class, at isang araw na distance learning. Pero sa panunumbalik ng full 5-days face to face class , tiniyak ng Dep-ed ang mas magaan na workload sa mga guro. Sa panayam naman kay Dr. Federico Martin, ang kasalukuyang Schools Division Superintendent ng DEP-ED Baguio ay sinisigurado naman daw ng mga guro na bawasan ang mga pinapagawa nilang mga aktibidad sa mga estudyante, at iniiwasan na magbigay ng mga hindi importante sa mga trabaho nila.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


BCNHS, LAUNCHES FIRST STUDENT ART GALLERY

BY: ANGELICA ARQUERO   Baguio City National High School (BCNHS) has officially opened its first-ever art gallery exhibit, showcasing unique and impressive artworks created by its students, particularly those under