BREAKING NEWS!

Mga Way-Finding Signages, Laking Tulong sa Publiko

BAGUIO CITY – Ang Department of Tourism – Cordillera Administrative Region (DOT-CAR) ay nagkabit ng mga way-finding signages sa kahabaan ng Session Road, upang mapadali ang paghahanap ng mga daan para sa mga turista at lokal. Ang mga palatandaang ito ay kapaki-pakinabang sa mga bisita upang mahanap kaagad ang kanilang mga destinasyon at mabigyang oras na lakbayin ang iba pang mga atraksiyon ng lungsod.

Ayon kay Aidan Esiong isang estudyante malaking tulong ang mga ito sa katulad niya na ang alam lamang na daan ay papunta sa kanyang paaralan at sa kanilang apartment. Dagdag naman ni Lorie Gamongan isang estudyante rin na magagamit ito hindi lamang sa mga turista pero para rin sa katulad niyang estudyante nag rerent sa lungsod. Layon ng mga mapang ito na magabayan ang mga bisita at mga residente sa paghahanap ng kanilang patutunguhan sa lungsod, upang maiwasan ang karagdagang abala. Mensahe naman ni DOT-CAR Regional Director Jovita Ganongan dahil sa dami ng turista at mga naglalakad sa kahabaan ng Session Road, lalo na tuwing weekends na ito ay higit na makakatulong. Makikita ang mga way-finding signages malapit sa mga intersections.

Dagdag pa ni Director Jovita upang mapadali ang paghahanap ng kanilang daan ito ay inilagay sa mga intersections. Sa kasalukuyan mayroong tatlong way-finding signages na nakakabit sa kahabaan ng Session Road. Habang patuloy na pinag-aaralan ang pagkabit ng mga karagdagang signages, naglahad ng mga suhestiyon ang ilan ukol dito. Komento ni Lorie isang estudyante, na mas maganda umano kung papalakihin ang mga fonts ng signage para sa mga matatanda. Binabalak parin ng Department of Tourism Cordillera (DOT-CAR) na maglagay pa ng dalawang pang way-finding signages, habang pinag iisipan pa rin kung maglalagay sa ibang tourist spots tulad ng burnham. Lubhang hinihikayat ang mga residente at turista na gamitin ang mga mapa upang mahanap ang kanilang mga istasyon at maiwasan ang ano mang abala.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean