BREAKING NEWS!

Milyon-milyong halaga ng droga, nasabat

Photo Courtesy for Provincial Government of Mountain

Aabot sa animnapu’t pitong bloke ng hinihinalang marijuana ang nasabat ng PNP mountain province sa isang checkpoint sa sadangga mountain province kaninang umaga. Nagkakahalaga ito ng aabot sa pitong milyon at pitong daang libong piso. Ayon kay Police Lieutenant Bonifacio P. Fanged ang Acting Chief of Police ng Sadanga, agad nilang napansin ang kontrabando noong maflag-down nila ang mga suspek sa checkpoint.

 

Timbog dito ang bente tres anyos na si Eliseo San Pedro Quiambao at bente uno anyos na si John Cedric Gadia, parehong residente ng quezon city. Ayon sa impormasyon ay galing sila sa Kalinga tapos dadaan sa checkpoint ng Sadanga Municipal Police Station kung saan sila nahuli. Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng regional PDEA laboratory office ng Sadanga ang dawalang suspek pati na ang mga nasabat na kontrabando at sasailalim sila sa drug test.

 

Nahaharap naman sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 of Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, sa sunod-sunod na mga drug operations sa rehiyon, nahuli sa lambat ng mga otoridad ang labin-dalawang drug personalities. Walo dito ay mula sa Baguio City at apat naman sa Benguet. Binunot at sinunog naman ng mga otoridad ang mga fully grown marijuana plants sa magkahiwalay na taniman sa Rizal at Tabuk City, Kalinga. Nagkakahalaga ang mga ito ng aabot sa tatlong milyong piso . Wala nahuling cultivator sa nasabing operation.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

SM Celebrates 126th National Flag Day

SM City Baguio joins the nation in the observance of the 126th National Flag Day on May 28. To ignite the momentous occasion, a flag-raising ceremony that displays a clean