BREAKING NEWS!

Oplan taob kontra dengue, inumpisahan na sa lalawigan ng Abra

Sama-sama ang mga residente, barangay health workers, mga kinatawan ng Rural Health Unit at DOH sa pagtaob sa mga posibleng pangitlogan ng lamok sa bayan ng Bucloc, Daguioman, San Quintin, San Isidro At Tayum, Abra.

Kasabay nito ay ang pag-spray ng larvicide para mamatay ang mga itlog ng lamok. Umaapila rin ang pamahalaang panlalawigan ng Abra sa lahat ng mga residente na makiisa sa mga malawakang paglilinis sa mga bakuran bilang pag-iwas sa nakamamatay na dengue.

Pitumpong residente ng Langiden, Abra naman ang sumailalim sa libreng urine screening. Matapos ang pagsusuri, labing isa ang nagpositibo sa Urinary Tract Infection.

Libreng pagpapagamot ang hatid sa kanila ng Provincial Health Office. Ang programa ay bahagi ng pag-alala sa National Kidney Awareness Month.

Tapos na rin ang kalsadang nag-uugnay sa bayan ng Bucay at Manabo, Abra. Isinakatuparan ito ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Joy Bernos.
Ang proyekto ay galing sa conditional Matching Grant To Province ng Department Of Interior And Local Government. Limang kilometro ng kalsada ang na-aspalto sa proyekto. Makikinabang dito ang bayan ng Boliney, Bucloc, Sal-lapadan, Daguioman at Tubo.

SHARE THIS ARTICLE NOW

COMMENTS

Write a Reply or Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *


TAGS

The latest news from luzon. Timely. Accurate. Fair.

Who Gets It?

In recent developments, Mayor Bitong Bigote of the municipality of Budol was ousted from his office. Facts would show that he was found liable in a disqualification case filed under

Cebu Pacific Relaunches Laoag-Manila Route

Cebu Pacific (PSE: CEB), the Philippines’ leading carrier, relaunches its Laoag-Manila route today, May 22, 2023, offering great values to passengers through the airline’s affordable fares and stronger connectivity to