Pagkatapos ang pagpayag ng National IATF sa paggamit ng vaccination documents para hindi na sumailalim sa anumang COVID-19 test, ngayong araw, agad sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang implementasyon nito.
Suportado naman ito ng mga eksperto.
Mas mababa kasi ang tsansang makahawa at magka-COVID ang mga fully vaccinated na mga indibidwal kaysa sa mga hindi pa nabakunahan.
Pero mag ingat parin sa nasabing sakit.
Si Veronica, sinamantala na ang pagkakataon para makaakyat sa lungsod.
Staff nurse si Veronica sa isa sa malalaking pagamutan sa NCR at natapos na rin niya ang kanyang second dose ng COVID-19 vaccine. Kaya naman magpapahinga lang ito saglit bago ulit sumabak sa giyera ng pandemya.
Ang taga Baguio namang si Cheska kakatapos lang ang second dose kaya excited na rin itong magbakasyon.
Pero si Jean naman, alanganin pa rin.
Sa pagdagsa ng mga bakunado sa lungsod, pinaghahandaan ang anumang pamemeke ng mga vaccination document.
Sa ngayon nakahanda na ang QR code system ng pamahalaang lungsod para sa pagbasa ng mga QR vaccination documents ng mga aakyat sa lungsod.