Idineklara na ng PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan. Katunayan, kahapon nakaranas ang buong Luzon ng malakas na pag-ulan.
Kasabay ng maulang panahon tumataas ang kaso ng dengue.
Sa tala ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng pamahalaang lungsod ng Baguio, papalo na sa 95 ang dengue cases.
Barangay Poliwes ang may pinakamataas dahil sa naitalang 9 na kaso .
Sumunod naman ang mga barangay ng Kias at Loakan Proper na tig 8 ang kaso at Gabriela Silang at Camp 7 na may tig 7 kaso
Doble kayod ngayon ang barangay Poliwes para agapan ang pagdami.
Target ng barangay na magsagawa ng malawakang clean up drive.
Nagpaalala naman ang Department of Health Cordillera sa publiko na panatilihing sundin ang 4s strategy ng ahensya kontra sa dengue.
Sa ngayon, papalo na sa 298 ang kaso ng dengue sa Cordillera.
Benguet ang may pinakamataas na kaso kung saan pumalo ito sa 173. Sumunod ang Baguio na may 95 cases mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.