Namulaklak ang tagumpay ng iba’t ibang grupo at indibidwal sa naganap na floral sculpture awarding ng Sabsabong Ti Mayo 2021.
Sa labing isang floral sculpture, angat ang limang obra. Parehong nasa 4th place ang floral sculpture ng grupong gawa nila Resty Lopez at Miguel Bautista Jr. Nasa pangatlong pwesto ang grupo ni Ryan Christopher Parnacio. 2nd place naman ang obra nila Zachary Edzel Manuel. At ang kampeon sa floral sculpture competition ay ang grupo ni Melvin Batanes.
Dinaluhan ni Department of Tourism secretary Bernadette Puyat ang aktibidad na nagbukas ng oportunidad sa mga food and floral vendor.
Ayon sa Baguio City Tourism Office, asahang sa susunod na mga paligsahan ay hindi lang para sa mga nasa BLISTT area kundi bubuksan din sa mga karatig na probinsya ang kompetisyon.